![]()
HINIMOK ni Senador Francis Chiz Escudero ang local industry players sa energy sector at sa pribadong sektor na makipagtulungan sa hakbangin ng pamahalaan para matugunan ang epekto ng lumalalang tensyon sa Middle East sa presyo at supply ng langis sa bansa.
Sinabi ni Escudero na bagama’t nag-ooperate ang mga negosyo o mga oil company alinsunod sa merkado, sa panahon ng extraordinary global conditions dapat magkaroon ang mga negosyante ng sense of public duty at social responsibility para maiwasan ang labis na pahirap sa ating mga kababayan at sa mga industriya.
Nanawagan din si senator Chiz Escudero sa Department of Trade and Industry na maghanda ng calibrated price‑monitoring mechanisms at kung kinakailangan ay magpatupad ng temporary price caps sa mga pangunahing bilihin sa sandaling sumipa ang presyo ng mga bilihin.
Dapat anyang handa ang gobyerno paano maiibsan ang epekto sa mga consumer lalo na sa mga low‑income families dahil sila ang pinaka maaapektuhan ng pagtaas ng presyo ng produkto.
Hinimok din ni Escudero ang pamahalaan na panatilihin ang koordinasyon sa international partners at patuloy na suriin ang peligrong hatid ng tensyon sa Middle East para agad na makaaksyon sa epekto nito sa ruta ng shipping, sa supply chain at sa pandaigdigang presyo ng mga kalakal o bilihin.
