dzme1530.ph

Endorsement ni PBBM, ipinagpasalamat ng reelectionist senators

Loading

Nagpasalamat ang lima sa pitong reelectionist senator sa endorsement sa kanila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang makuha ang suporta ng Ilocos Norte.

Sinabi ni Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. na malaking karangalan ang maging bahagi ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas lalo na sa vision nito para sa pag-unlad at inclusive leadership.

Pinasalamatan din ni Revilla ang pangulo sa pagpapatibay sa alyansa.

Kasabay ng pasasalamat, nangako naman si Sen. Pia Cayetano ang patuloy na commitment sa pagbalangkas ng mga batas na pagpapalakas sa healthcare, edukasyon at kapakanan ng pamilya.

Ibinida rin niya ang polisiyang kanyang itinaguyod kabilang na ang Cheaper Medicines Law, Doktor Para sa Bayan at ang ganap na pagpapatupad ng Konsulta program ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Pagtutuunan naman ng pansin ni Sen. Imee Marcos ang suporta sa mga magsasaka, pagtataguyod ng tax-free fertilizers, irrigation systems at buwanang sahod sa mga manggagawa ng agrikultura.

Ipinanawagan din ng senadora na gawing pantay ang minimum wage sa Ilocos at Maynila at nangakong isusulong ang pagkakaroon ng specialist hospitals sa Ilocos.

Matapos ang pagsuyod sa Ilocos region, bukas ay biyaheng Iloilo naman ang Alyansa para sa Bagong Pilipinas para magsagawa rin ng kickoff rally sa kanilang kampanya na dadaluhan din ni Pangulong Marcos.

About The Author