Ipinag-utos ng Department of Education (DepEd) sa mga pampublikong paaralan na idaos ang kanilang End-Of-School-Year (EOSY) activities, sa indoors, bunsod ng nararanasang dangerous levels ng heat index sa gitna ng El Niño.
Alinsunod sa memorandum na ni-release ng DepEd, nakatakdang ganapin ang EOSY rites simula May 29 hanggang 31, 2024, at dapat itong gawin sa indoor venues o well-ventilated areas na malayo sa sikat ng araw.
Ayon sa ahensya, ito ay upang matiyak ang kaligtasan at proteksyon ng mga mag-aaral, guro, at mga bisita.
Pinayuhan din ang mga paaralan na iwasang i-schedule ang EOSY rites sa mga oras na mataas ang temperatura.