![]()
Nagbabala si Health Secretary Ted Herbosa na posibleng makaapekto sa presyo ng mga gamot at pagpapaospital sa bansa ang tensyon sa Middle East.
Ipinaliwanag ni Herbosa na posibleng maapektuhan ang delivery ng imported na gamot at medical supplies na maging dahilan ng shortage.
Tiniyak naman ang DOH na nakalatag na ang kanilang emergency preparedness measures, kabilang na ang inventory checks at contingency planning upang matiyak na may sapat na stock ng mga gamot at iba pang mahalagang medical supplies.
Nilinaw naman ng kalihim na sa ngayon ay walang shortage ng supply.
Gayunman, mahalaga anya ang maagang pag-aksyon upang maiwasan ang mas malaking krisis.
