dzme1530.ph

Emergency loans para sa biktima ng Bulkang Mayon sa Albay, inihanda na ng GSIS

Maaring gamitin ng mga miyembro at pensioners ng Government Service Insurance System (GSIS) sa Albay ang emergency loan facility, sakaling pumutok ang Bulkang Mayon.

Inanunsyo ni GSIS President and General Manager Arnulfo Veloso na naka-standby na ang kanilang emergency loan window sa sandaling lumala ang sitwasyon para sa kanilang mga miyembro at pensioners.

Sa ilalim ng loan, ang mga miyembro na may balanse pa sa nakaraang emergency loan ay maaring manghiram ng hanggang P40,000 para bayaran ang natitirang utang at makatatanggap pa rin ng maximum net amount na P20,000.

Ang mga miyembro na wala namang utang, pati na ang mga pensioner ay maaring mag-apply para sa P20,000 na emergency loan. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author