dzme1530.ph

EMB-6 sinusuri ang pagbaha sa ilang barangay sa Iloilo City

Loading

Sinusuri ng Department of Environment and Natural Resources–Environmental Management Bureau (DENR-EMB) Region 6 ang iniulat na pagbaha sa limang barangay sa Jaro District, Iloilo City, kabilang ang Camalig, Lanit, Balantang, Tagbak, at Buntatala.

Batay sa paunang site validation at investigation ng EMB-6, natukoy nilang may limitadong kapasidad sa pag-agos ng tubig ang Buntatala Creek dahil sa mababang elevation, slope characteristics, masikip na daluyan, at pagbara dulot ng vegetation at naipong basura. Apektado rin ang creek ng reclamation at backfilling activities sa ilang bahagi, na nagdulot ng paglihis ng natural na daloy ng tubig.

Patuloy ang mas malalim na assessment ng EMB-6 upang matukoy ang kabuuang lawak ng epekto at posibleng mga sanhi ng pag-apaw ng tubig. Ayon sa ulat, ang kasalukuyang proyekto sa bahagi ng creek ay wala pang naaprubahang Environmental Compliance Certificate (ECC).

About The Author