dzme1530.ph

Elon Musk, kinilala bilang pinakamayamang tao sa buong mundo

Muling kinilala bilang pinakamayamang tao sa buong mundo ang business magnate at investor na si Elon Musk.

Ayon sa Bloomberg’s Billionaires Index, tinatayang aabot sa $192-B ang net worth ng Tesla (TSLA) at SpaceX CEO.

Doble ang itinaas ng kanyang yaman mula sa dating $55.3-B noong Enero dahil dumoble rin ang benta niya sa naturang electric car company.

Dahil dito, nahigitan niya ang luxury giant na LMVH na pag-aari ni Bernard Arnault na nakapagtala naman ng $187-B net worth.

Nabatid na noong Disyembre ay naungusan ni Arnault si Musk dahil sa paglaki ng luxury goods sales na nakatulong sa pagtaas ng stock price ng LVMH. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author