dzme1530.ph

ELLEN ADARNA, NAKIPAG-BONDING SA EX NA SI JOHN LLOYD CRUZ AT SA CURRENT GIRLFRIEND NG AKTOR SA AMANPULO

Loading

Nagbakasyon ng ilang araw sa beach si Ellen Adarna at kanyang mga anak na sina Elias at Lili, kasama ang dating partner na si John Lloyd Cruz at current girlfriend ng aktor na si Isabel Santos.

 

Sa kanyang Instagram story, ipinost ni Ellen ang videos ng kanilang bakasyon sa luxury private island sa Amanpulo sa Palawan.

 

Sa nakaraang interview, sinabi ni Ellen na nag-alok ng tulong si John Lloyd nang kinailangan niyang lumipat sa bagong bahay.

 

Aniya, wala siyang masabi kay John Lloyd na hindi na kailangan pagsabihan dahil marunong itong magkusa.

 

Mas maganda rin aniya ang samahan nila ng dating partner bilang co-parents kay Elias.

About The Author