Inaasahang matutuldukan na ang mga problema sa NAIA matapos malagdaan ang P170.6-b concession agreement para sa modernisasyon ng main gateway ng bansa.
Sa pag-takeover sa Setyembre, prayoridad ng consortium sa pangunguna ng San Miguel Corporation (SMC), ang pagkukumpuni sa electrical system, generators, aircon units, at iba pang pasilidad.
Inihayag naman ni SMC President and CEO Ramon S. Ang na hindi na kailangan pang palitan ang pangalan ng airport, dahil saklaw na ito ng politika at marami ang magagalit kapag pinakialaman pa.
Binigyang diin ni Ang na ang dapat tutukan at asikasuhin ay ang repair at rehabilitasyon para mawala na ang mga inirereklamo ng mga tao sa NAIA.