Inaprubahan ng Comelec ang kanilang supplemental resolution na nagde-deklara sa lahat ng election campaign areas, kabilang ang Online, bilang “Safe Space” bago ang May 2025 Midterm Elections.
Sa ilalim ng Comelec Resolution 11127 na nilagdaan ng lahat ng miyembro ng Comelec en banc, inamyendahan ang Resolution 11116.
Tinukoy rito ang election offenses na kinabibilangan ng child abuse, discrimination, incitement, immoral doctrines, obscene publications, exhibitions and indecent shows, at racial discrimination.
Ipinaliwanag ni Comelec Chairman George Garcia na alinsunod sa safe space, mahigpit na ipinagbabawal sa mga kandidato at kanilang supporters ang paggamit ng “foul languages.”
Muli ring nanawagan si Garcia sa lahat ng mga kandidato na maging mas responsable sa bawat pagharap nila sa publiko at tiyakin ang paggalang nila sa lahat.