dzme1530.ph

El Niño phenomenon, posibleng ideklara sa susunod na linggo

Posibleng ideklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa susunod na linggo ang pagsisimula ng El Nino phenomenon.

Ito ang inanunsyo ng state weather bureau matapos makitaan ng pagtaas ng temperatura sa water surface ng Dagat Pasipiko.

Ayon sa PAGASA, may 70% probability na mas lumala pa ang nararanasang init at maaaring magdulot ng matinding tagtuyot lalo na sa silangan at katimugang bahagi ng Pilipinas.

Maaari rin aniyang makaranas ng malakas na pag-ulan ang bansa bunsod ng nasabing phenomenon. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author