dzme1530.ph

El Niño, hindi magdudulot ng malaking problema ngayong taon

Hindi magdudulot ng malaking problema sa supply ng kuryente sa bansa ang pagsisimula ng El Niño phenomenon para sa natitirang bahagi ng taon.

Sa televised public briefing, sinabi ni Department of Energy (DOE) Undersecretary Rowena Guevarra, na batay sa simulations ng ahensya, ang kapasidad ng major hydroelectric power plants ay maaring tapyasan ng hanggang 50% ngayong Hulyo hanggang 75% pagsapit ng Disyembre bunsod ng El Niño.

Inihayag ni Gueverra na ang projected power consumption demand ay mas mababa ng 300 hanggang 500 megawatts.

Gayunman, batay sa power outlook, dahil sa El Niño ay posibleng magkaroon ng apat na yellow alerts o indikasyon ng manipis na reserbang kuryente sa grid, subalit hindi naman kinakailangang magresulta ng power outages.

Sinabi ni Guevarra na tatlo ang posibleng yellow alerts sa Agosto habang isa sa ikatlong linggo ng Hulyo. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author