Lumago ng 5.7% ang Gross Domestic Product (GDP) ng Pilipinas sa unang quarter ng 2024.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), mas mataas ito kumpara sa 5.4 percent na naitala sa fourth quarter ng 2023, subalit mas mababa sa 6.4 % na paglago sa unang quarter ng nakaraang taon.
Inihayag ng psa na lahat ng major economic sectors na kinabibilangan ng Agriculture, Forestry, And Fishing (AFF) industry; at services ay nakapagtala ng year-on-year growths sa first quarter.
Gayunman, bumagal ang paglago sa agrikultura, sa gitna ng nararanasang epekto ng El Niño phenomenon.
Una nang ibinaba ng economic managers ang growth target ngayong 2024 sa 6-7% mula sa 6.5-7.5%, dahil sa external factors, gaya ng global demand at trade growth, paggalaw ng presyo ng langis, at exchange rate at inflation trends.