dzme1530.ph

Ekonomiya ng bansa, posibleng lumago sa 7.1%

Posibleng lumago sa 7.1% ang ekonomiya ng bansa sa first quarter ng 2023.

Ito’y batay sa pagtaya ng First Metro Investment Corp. at University of Asia & The Pacific sa kabila ng pagtaas ng inflation at paghina ng global economic growth.

Iniuugnay ang posibleng paglago ng gross domestic product (GDP) sa improvement ng labor market, manufacturing, at government spending.

Una nang sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) Chief Arsenio Balisacan na inaasahan niya ang pagbuti ng ekonomiya ng bansa bagaman marami pa ang dapat gawin upang makarekober mula sa COVID-19 pandemic.

About The Author