Ipinagdiriwang ngayong Miyerkules ng Filipino Muslims ang Eid’l Fitr o Feast of Ramadan, na unang idineklara ng Malacañang bilang holiday.
Ang Eid’l Fitr ay isang malaking kapistahan sa relihiyong Islam, kung saan ipinagdiriwang ang pagtatapos ng isang buwan na pag-aayuno ng mga Muslim na nagsimula noong March 12.
Ang petsa ng Eid’l Fitr at Ramadan ay magkakaiba sa iba’t ibang bansa, depende sa moonsighting.
Kabilang sa mga bansa sa Timog Silangang Asya na nagdiriwang ngayong araw ng Eid’l Fitr ay ang Indonesia at Malaysia.