dzme1530.ph

Effectivity ng PUV Modernization Program, nasa kamay na ng DOTR

Nasa kamay na ng Department of Transportation (DOTR ) at iba pang ahensya ng gobyerno ang epektibong implementasyon ng PUV Modernization Program.

Ito ang iginiit ni Senate Committee on Public Services chairperson Grace Poe sa paggulong ng programa matapos ang consolidation period.

Inaaasahan ng senador na may sapat na mga pampublikong sasakyan na babyahe sa lahat ng ruta bukod pa sa pagtitiyak na ligtas ang commuting experience ng mga pasahero.

Samantala, nababahala si Poe na madaragdag sa tala ng mga walang trabaho ang mga tsuper at operator na maiiwanan ng programa.

Ito aniya ang masakit na katotohanan sa gitna ng pagdiriwang ng Labor Day.

Dapat aniyang malaman ng lahat ang tunay na bilang ng mga driver na nakalahok sa programa sa gitna ng mga hadlang tulad ng mataas na halaga ng modernong sasakayan.

About The Author