Hindi sisimulan ang rehabilitasyon sa EDSA hangga’t walang solidong rerouting plans at hindi handa ang Local Governments Units (LGUs), ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Sa kanyang vlog, kahapon, sinabi ng Pangulo na dapat munang ayusin ang plano bago umpisahan ang EDSA rebuild project.
Muling inihayag ni Marcos na masyadong matagal ang dalawang taon para maabala ng mabigat na trapiko ang mga Pilipino.
Noong nakaraang linggo ay inanunsyo ng Punong Ehekutibo ang isang buwan na pagpapaliban sa EDSA rehab, na unang itinakda sa June 13.