![]()
Sa kabila ng hindi pagdedeklara sa Feb. 25 bilang regular holiday, kinilala ng Malakanyang ang kahalagahan ng EDSA People Power Revolution sa kasaysayan ng Pilipinas.
Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro, na bahagi ito ng kasaysayan, at hindi mabubura ang mga naganap noon, maging ang katapangan ng mga Pilipino, at pagtanggap sa mga pangyayari.
Sa ngayon ay wala pang inilalabas na anumang mensahe si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa 40th Anniversary ng Mapayapang Rebolusyon.
Ginugunita tuwing Feb. 25 ang 1986 EDSA People Power Revolution na nagpatalsik kay yumaong pangulong Ferdinand Marcos Sr., at nagluklok kay Corazon Aquino bilang presidente.
