Ipinalutang ng Metropolitan Manila Development Authority ang mungkahing tanggalin na ang EDSA Busway, upang mapaluwag ang trapiko sa EDSA.
Sa press briefing sa Malakanyang, inihayag ni MMDA Chairman Romando Artes na pinapalaki na ang carrying capacity ng MRT 3, upang sa MRT na lamang din isasakay ang mga pasahero ng EDSA Carousel.
Mas kombenyente umano ang pagsakay sa MRT, dahil hindi lahat ng istasyon ng MRT ay mayroon ding istasyon ang EDSA Carousel.
Sa oras umano na alisin na ang EDSA Busway, wala nang padadaaning pampasaherong bus sa EDSA.
Sa halip umano ay ipagagamit na lamang ang EDSA bus lane bilang special lane para sa mga sasakyang may sakay na tatlo o higit pa.
Nilinaw naman ni Artes na ito ay suhestyon pa lamang.