![]()
Inanunsyo ng iba’t ibang organisasyon sa pamamagitan ng press conference ang kanilang kilos protesta sa 40th Anniversary ng EDSA People Power Revolution na tinawag na “EDSA 40: Tuloy ang Laban sa Korapsyon at Kahirapan.”
Itinakda ang protesta sa February 25, ala una hanggang ala singko ng hapon sa EDSA Shrine sa EDSA-Ortigas at sa People Power Monument.
Layunin ng pagtitipon na ipanawagan ang accountability mula kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., Vice President Sara Duterte, at iba pang mga opisyal ng pamahalaan na umano’y sangkot sa katiwalian.
Sinabi ni Bayan Chairperson Teddy Casiño na inaasahan ng mga organizer ang malaking turnout kumpara noong September 21, dahil sa pagsasama-sama ng mga grupo sa iisang lugar.
Inihayag naman ni Atty. Aaron Pedrosa, Secretary-General ng Sanlakas, na magsasagawa sila ng isang buong araw na serye ng mga aktibidad hindi lamang sa metro manila kundi sa buong bansa.
Magdaraos din aniya ang iba’t ibang diocese ng prusisyon patungong EDSA Shrine na magtatapos sa pamamagitan ng isang misa, sa ganap na ala sais ng gabi.
