dzme1530.ph

EcoWaste coalition, nanawagan para sa ‘basura-free’ na Halalan 2025

Loading

Nanawagan muli ang environmental advocacy group na EcoWaste Coalition para sa “Basura-Free” na Halalan 2025.

Hiniling ng grupo sa local at national candidates na tumalima sa Ecological Solid Waste Management Act, at huwag magkalat sa pagtatapos ng kanilang kampanya, bukas.

Umapela ang EcoWaste sa mga kandidato na huwag gawing dumpsites ang pagdarausan ng mga miting de avance, at ipatupad ang “Clean as you Go” policy, gayundin ang “No smoking, No vaping policy.”

Hinimok din ng grupo ang mga kandidato na sumunod sa campaign ban sa May 12, at iwasang gumamit ng styrofoams at plastics para sa poll watchers, at huwag nang maglagay ng mensahe ng pasasalamat sa mga tarpaulin.

About The Author