dzme1530.ph

EcoWaste Coalition, hinimok ang mga nanalong kandidato na huwag gumamit ng tarpaulins sa pagpapasalamat

Loading

Nanawagan ang zero-waste advocates na EcoWaste Coalition sa mga nanalong kandidato sa nagdaang May 12 elections na huwag gumamit ng tarpaulins para pasalamatan ang kanilang supporters.

Ginawa ng grupo ang panawagan matapos ma-obserbahan ang mga itinapong plastic tarpaulins matapos ang eleksyon.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, ang mga basurang nakolekta sa Metro Manila dulot ng nagdaang eleksyon ay umabot sa 64.5 tons, na ang ilan ay non-biodegradable at may limited reusability at recyclability.

Sinabi ni Zero-Waste Campaigner Cris Luague, na hindi pa man natatapos ang post-election campaign clean-up ay may nakita na naman silang mga bagong kabit na tarpaulins mula sa mga nanalong kandidato na nagpapasalamat sa kanilang mga tagasuporta.

About The Author