Tutulak patungong Washington, DC ang economic team ng Marcos administration upang makipagpulong sa mga negosyante ngayong linggo.
Ito ang inihayag ni Finance Secretary Benjamin Diokno na tatalakayin ng grupo sa halos 200 communities ang latest developments at socioeconomic agenda ng administrasyon.
Aniya, nakatuon ang kanilang mensahe sa kung paano naging isa sa fastest-growing economies ang Pilipinas sa buong mundo sa gitna ng pandemya at iba pang isyung kinahaharap ng bansa.
Pangungunahan naman ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan, Budget Secretary Amenah Pangandaman, at Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Felipe Medalla ang naturang pagpupulong. —sa panulat ni Airiam Sancho