Hinimok ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang economic managers na umaksyon sa pagpapataw ng Estados Unidos ng taripa sa exports ng bansa sa Amerika.
Sinabi ni Escudero na tiyak na may epekto ito sa ating ekonomiya kaya’t ngayon pa lamang ay dapat umaksyon na ang economic managers.
Ipinaliwanag ng senate leader na mas malaki ang halaga ng inieexport natin sa Amerika kumpara sa iniimport natin kaya mayroon tayong trade surplus dito.
Isa aniya sa posibleng gawin ng economic managers ay irekomenda ang pag-amyenda sa National Tariff and Customs Code of the Philippines na maaaring gawin sa pamamagitan ng executive order habang nakarecess ang Kongreso.
Ang mahirap lamang aniya sa ganitong aksyon ay tila naggagantinhan ang mga bansa sa pamamagitan ng pagpapataw ng taripa sa isa’t isa kaya sa dulo tumataas ang presyo ng mga produkto.