dzme1530.ph

Economic growth outlook para sa Pilipinas, tinapyasan ng Moody’s

Loading

Tinapyasan ng Moody’s Analytics ang kanilang economic growth forecasts para sa Pilipinas ngayong taon at sa 2026.

Bunsod ito ng posibleng impact ng tumataas na uncertainties mula sa tariff policies ng United States.

Gayunman, sinabi ni Moody’s Analytics Economist Sara Tan, na nananatili ang Pilipinas bilang isa sa fastest-growing economies sa Southeast Asia.

Tinaya ng Moody’s ang Philippine Gross Domestic Product (GDP) na lalago ng 5.9% ngayong 2025, bahagyang mas mabagal kumpara sa kanilang 6% na baseline forecast noong Nobyembre.

Para naman sa susunod na taon, binawasan din nito ang GDP growth projection ng bansa sa 5.8% mula sa naunang 6.1%.

About The Author