dzme1530.ph

Economic growth ng bansa, posibleng bumaba sa 5.8% sa 2nd quarter ng 2023

Posibleng bumagal sa 5.8% ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa 2nd quarter ng 2023.

Ayon sa University of Asia and the Pacific (UA&P) economists, inaasahang nasa 0.5% ang ibababa ng economic growth rate bunsod ng mataas na inflation.

Gayunpaman, nakikita nila ang paglago ng ilang services sector gaya ng transportasyon; at accommodation and food service.

Inaasahan din ng private sector economists na tataas ang bilang ng mga turista sa iba’t ibang lugar dahil sa mainit na panahon mula April hanggang June. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author