dzme1530.ph

E-trikes at e-bikes, bawal na sa malalaking kalsada sa Metro Manila simula ngayong Jan. 2

Loading

Bawal na ang e-trikes at e-bikes sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila, simula ngayong Biyernes, Jan. 2.

Ginawa ng Land Transportation Office (LTO) ang anunsyo kahapon, isang buwan matapos ipagpaliban ang implementasyon ng ban sa light electric vehicles noong Disyembre.

Inihayag ng ahensya na hindi na papayagan ang e-trikes at e-bikes sa malalaking lansangan, gaya ng Edsa, C-5 Road, Roxas Boulevard, at Quirino Avenue to Magallanes – South Luzon Expressway (SLEX).

Binigyang diin ni LTO Chief at Assistant Secretary Markus Lacanilao na ang pagpapatupad ng ban ay bahagi ng kanilang hakbang na tiyakin ang kaligtasan sa mga kalsada.

Paliwanag ni Lacanilao, ang mga naturang major thoroughfares ay idinesenyo para sa mas mabibilis at  malalaking sasakyan at hindi angkop para sa e-trikes.

About The Author