dzme1530.ph

E-trike driver patay sa pamamaril sa Parañaque

Dead on the spot ang isang e-trike driver habang nakaupo sa isang karenderia sa E. Rodriguez St. sa Brgy. Baclaran Lungsod ng Parañaque kagabi.

Kinilala ng pamilya ang biktimang si Anthony Aguilar, 22 years old na nakatira sa Opeña St. sa Baranggay Baclaran.

Ayon sa ilang residente kakain sana ang biktima ng lapitan ng Isang Lalaki at pagbabarilin sa ulo dahilan ng agarang ikinamatay nito.

Napag alaman din na wala pang isang taon ng lumabas ang biktima sa kulungan dahil sa kasong iligal na droga at robbery.

Sa ngayon ay inaalam pa ng Parañaque Police Substation 1 ang motibo ng pamamaril at sinisilip na rin ang kuha ng CCTV sa Lugar upang matukoy ang salarin.

About The Author