Inihayag ng Metropolitan Manilla Deployment Authority (MMDA) ang pagbabawal sa mga Electronic Vehicles na dumaan sa National Roads.
Ayon kay MMDA Acting Chairman Romando Artes, bagamat nagpasa na ng resolusyon ang Metro Manila Council (MMC) kailangan pa rin aniya ng labing-limang araw para mailathala sa mga pahayagan ang pagpapatupad ng resolusyon.
Posibleng sa Abril pa maipatupad ng MMDA ang pagbabawal sa mga Electronic Vehicles na dumadaan sa National Roads gayundin ang pagpapataw ng ₱2,500 na multa sa mga lalabag.
Bukod pa dito magkakaroon din sila ng awareness campaign sa mga gumagamit ng electronic vehicles tulad ng E-trike, E-Bike, e-scooter at kuliglig upang masiguro ang kaligtasan ng mga motorista.
Binanggit din ni Artes ang inisyal na listahan ng labing-siyam na pangunahing kalsada kung saan ipagbabawal ang mga Electronic Vehicles, kabilang dito ang:
-Recto Avenue
-Quirino Avenue
-Araneta Avenue
-Epifanio delos Santos Avenue (EDSA)
-Katipunan/CP Garcia
-Southeast Metro Manila Expressway
-Roxas Boulevard
-Taft Avenue
-South Luzon Expressway
-Shaw Boulevard
-Ortigas Avenue
-Magsaysay Boulevard/Aurora Boulevard
-Quezon Avenue/Commonwealth Avenue
-Bonifacio Avenue
-Rizal Avenue
-Delpan/Marcos Highway/McArthur Highway
-Elliptical Road
-Mindanao Avenue
-Marcos Highway