Inilunsad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Electronic Local Government Unit (E-LGU) system at People’s Feedback Mechanism o E-Report.
Pinangunahan ng pangulo ang launching ceremony sa malakanyang kasama ang Department of Information and Communications Technology at Department of the Interior and Local Government.
Ang E-LGU system at E-Report ay magiging bahagi ng EGOV Ph Super App o ang mobile application na nagsama-sama sa mga serbisyo ng lahat ng tanggapan ng gobyerno.
Saklaw ng E-LGU system ang iba’t ibang serbisyo ng local government units kabilang ang business permit licensing, notice of violations, notification system, community tax, health certificates, local civil registry, business tax, at real property tax.
Ang E-Report naman ay naka-konekta sa iReport ng Philippine National Police, at fire response management system ng Bureau of Fire Protection, kung saan maaaring idulog ng publiko ang real-time reports sa mga krimen, sunog, at iba pang emergency. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News