Inaasahang lalago ng 15% o $16-B ang electronic commerce ng bansa ngayong 2023 mula sa $14-B noong 2022.
Batay sa market research study na inorganisa ng logistics solutions provider na LOCAD Philippines, sinabi ni Co-Founder at Chief Executive Constantine Robertz na nananatili ang growth potential ng Philippine brand sa regional at global markets sa kabila ng pagbagal ng e-commerce ngayong new normal.
Nilinaw din ni Robertz na kabilang sa ang mga pangunahing hamon na kinahaharap ng bansa ang malawakang kompetisyon sa pandaigdigang merkado, logistics at financial payment method.
Gayunpaman, sinabi ni Department of Trade and Industry Asec. Glenn Peñaranda, na ang cross-border shopping ay isa sa krusyal na bahagi ng e-commerce at ng kabuuang benta nito. —sa panulat ni Airiam Sancho