dzme1530.ph

Dyson Technology company ng Singapore, nangako ng P11-B investment sa Pilipinas

Nangako ang Singapore-based multinational technology company na Dyson ng P11-B na halaga ng investment sa Pilipinas.

Sa pakikipagpulong ni Dyson Chief Executive Officer Ronald Krueger kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Singapore, ibinahagi nito ang planong pagtatayo ng bagong factory at research and development center.

Ang investment ay inaasahang makapagbibigay ng trabaho sa 1,250 katao sa harap ng planong pagdaragdag ng staff, software, at iba pang expansion.

Sinabi naman ng Pangulo na magiging kapaki-pakinabang ito para sa bansa at sa mga Pilipino, lalo na sa software engineers at iba pang engineering graduates.

Ang Dyson ay kilalang manufacturer ng mga hi-tech na household appliances. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author