Hiniling sa Supreme Court ng Duterte Youth Party-list, sa pamamagitan ng kanilang chairman na si Ronald Cardema, na maglabas ng temporary restraining order (TRO) laban sa suspension order ng Comelec sa proklamasyon ng grupo.
Ang Duterte Youth ang ikalawa sa may pinakamataas na nakuhang boto na nasa 2,338,564 sa katatapos lamang na midterm elections, dahilan para bigyan sila ng tatlong seats sa House of Representatives.
Iprinoklama ng poll body ang mga nanalong partylist noong Lunes subalit sinuspinde ng poll body ang proklamasyon ng Duterte Youth.
Naniniwala si Cardema na nakagawa ng grave abuse of discretion ang Comelec, at tila sinadyang ipaalam sa kanila ang suspensyon nang kakaunti na lamang ang natitirang oras kaya hindi na nila ito naagapan.