“Hindi naman kita hinamon… Sinabi ko talaga, kapag nagsuntukan tayo, mabubugbog kita…”
Sa isang vlog post, ito ang naging pahayag ni Davao City Acting Mayor Sebastian “Baste” Duterte hinggil sa kanyang hindi pagsipot sa inabangang charity boxing match laban kay PNP Chief Police General Nicolas Torre III na ginanap sa Rizal Memorial Coliseum.
Ayon kay Duterte, may iba siyang kailangang gawin at hindi raw siya nakonsulta sa schedule ng naturang laban.
Dagdag pa niya, handa siyang makipagsuntukan, nang walang kamera at walang gloves, at dapat umanong magdeklara muna ang Pangulo ng hair follicle drug test para sa lahat ng opisyal bago ito lumaban.
Samantala, libu-libong tagahanga ang pumila para sa “Laban Para sa Nasalanta,” isang charity event para sa mga biktima ng mga bagyo. Ang presyo ng ticket ay naglaro mula ₱100 hanggang ₱5,400.