dzme1530.ph

Dumaguete City Mayor, pinabulaanan na hinarang niya ang pagtitipon na dinaluhan ni FPRRD

Itinanggi ni Dumaguete City Mayor Felipe Remollo na hinarang niya ang political rally na dinaluhan ni former president Rodrigo Duterte at mga supporters nito noong Martes ng gabi, sa pagsasabing walang permit ang naturang pagtitipon.

Ipinaliwanag ni Remollo na noong nakaraang buwan ay mayroong isang pastor na nag-apply para sa “prayer rally” na gaganapin ng May 7, na kanya namang inaprubahan.

Gayunman, ilang araw bago ang itinakdang pagtitipon, ay isa pang indibidwal ang sumulat sa mga pulis para humingi ng karagdagang seguridad dahil kumpirmadong dadalo ang dating pangulo at mga dating opisyal ng pamahalaan.

Nang malaman na maraming darating government officials, napagtanto ng alkalde na hindi lamang simpleng “prayer rally” ang mangyayari, taliwas sa naunang in-apply na permit.

Sinabi ni Remollo na ang aplikante ng permit ay tinanggal kalaunan mula sa grupo at hindi na konektado sa rally kaya nawalan ng bisa ang permit.

Hiniling ng alkalde sa grupo na mag-apply ng panibagong permit subalit tumanggi ang mga ito at hindi rin umano sila pumayag na iurong ang petsa ng pagtitipon.

 

About The Author