Nilinaw ng Department of Trade and Industry (DTI) na hindi pa pinal na napagpapasyahan ang panukalang payagan ang mga Sari-sari store na makapagbenta ng over-the-counter medicines.
Ginawa ng ahensya ang paglilinaw, matapos magpahayag ng pagkabahala ang pharmaceutical at healthcare sectors sa panukala ng isang kumpanya na payagang magtinda ng over-the-counter na mga gamot ang mga Sari-sari store.
Inihayag ng DTI na batid nila ang potensyal na banta nito sa kalusugan ng publiko.
Tiniyak din ng kagawaran na hindi sila basta-basta magde-desisyon nang walang isinasagawang konsultasyon sa stakeholders na posibleng maapektuhan ng polisiya.