Ipinatupad ng Department of Trade and Industry (DTI) ang price freeze sa mga pangunahing bilhin at serbisyo sa Central Luzon.
Ito at bunsod ng pananalasa ng bagyong Egay at tuloy-tuloy na pag-ulan na dala ng habagat.
Ayon sa DTI, ang price freeze ay tatagal ng 60 araw sa mga lalawigan na isinailalim sa state of calamity gaya ng Pampanga; Bulacan; Bataan; Zaragoza sa Nueva Ecija; at sa Camiling at Paniqui sa Tarlac.
Hinimok naman ng DTI ang publiko na agad i-report sa kanilang tanggapan ang mga mahuhuling lumabag sa prize freeze sa pamamagitan ng kanilang contact number na 1-DTI o 1-384 o email address na [email protected]. –sa panulat ni Jam Tarrayo