Handa ang Department of Trade and Industry (DTI) na tulungan ang mga lokal na negosyong naapektuhan ng bagyong Kristine.
Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., binigyang diin ni DTI Acting Secretary Cristina Roque, ang commitment ng ahensya na suportahan ang pagbangon ng mga apektadong negosyo, lalo na ang micro, small, and medium enterprises (MSMEs).
Nakikipag-ugnayan ang DTI sa iba’t ibang ahensya at sa private sector partners upang matiyak na ang mga naapektuhang negosyante ay makatatanggap ng kinakailangang resources, gaya ng financial aid at advisory services.
Bukod dito, epektibo rin ang price freeze sa mga lugar na isinailalim sa state of calamity.
Hinimok din ang mga apektadong negosyante na kontakin ang kanilang pinakamalapit na Negosyo Centers o DTI Regional Offices para sa kinakailangang assistance. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera