dzme1530.ph

DTI, inatasang ihanda ang MSMEs sa AI

Inatasan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Trade and Industry na ihanda ang Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) sa Artificial Intelligence (AI).

Sa sectoral meeting sa Malacañang, inihayag ng pangulo na kailangang maturuan ang MSMEs sa paggamit ng AI powered system, at mabigyan ng kagamitan na may modernong teknolohiya upang sila ay makasabay sa advancements sa physical at online demands.

Sinabi rin ni Marcos na ang AI ang magbibigay-daan sa ease of doing business, na mas magpapadali at magpapa-simple sa mga transaksyon.

Kaugnay dito, hinikayat ng pangulo ang mga kaukulang ahensya na suportahan ang MSMEs na napakahalaga sa paglago ng ekonomiya.

About The Author