dzme1530.ph

DTI, inaprubahan ang karagdagang diskwento sa grocery at prime commodities ng senior citizens

Aprubado na ng Department of Trade and Industry ang dagdag na discount para sa grocery at prime commodities ng mga senior citizen.

Sa kasalukuyan kasi ay mayroong limit na P1,300 na weekly purchase ang seniors, kaya P65 lang ang discount na maari nilang makuha sa basic necessities at prime commodities.

Inihayag ni Speaker Martin Romualdez na pumayag ang DTI sa kanyang kahilingan na itaas sa P125 kada linggo o P500 kada buwan ang discount ng seniors sa grocery.

Kinukonsulta pa ng DTI ang stakeholders nito subalit posible umanong ipatupad ang dagdag na diskwento sa Marso.

Magpapalabas din ng Implementing Inter-Agency Circular ang DTI, Department of Agriculture, at Department of Energy kaugnay nito, pati na listahan ng mga bilihin na saklaw ng diskwento.

About The Author