dzme1530.ph

DSWD, tiniyak na sapat ang supply ng family food packs para sa mga biktima ng pagputok ng Bulkang Kanlaon

Loading

Tiniyak ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na mayroon silang sapat na supply ng family food packs para sa mga posibleng maaapektuhan ng pag-a-alboroto ng Kanlaon Volcano sa Negros Island.

Sinabi ni Gatchalian na mayroong mahigit 1.4 milyong kahon ng family food packs na naka-preposition sa Western Visayas, Central Visayas, at iba pang mga kalapit na rehiyon.

Sa naturang bilang, 105,857 family food packs ang inilaan sa Western Visayas habang 84,537 ang nasa iba’t ibang warehouses sa Central Visayas.

Bukod sa mga pagkain, inihayag ng Kalihim na mayroon ding naka-preposition na non-food items, gaya ng kitchen kits, family kits, sleeping kits, hygiene kits, at laminated sacks, at iba pang relief items. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author