dzme1530.ph

DSWD, tiniyak na hindi nilustay ang pera ng taumbayan sa pagbili ng tuna cans para sa food packs

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na hindi nila nilustay ang pera ng taumbayan sa pagbili ng tuna cans o de lata na kasama sa ipinamahaging food packs sa Oriental Mindoro.

Kasunod ito ng mga natatanggap na reklamong expired o sira na ang ibinigay na de lata sa mga naapektuhang residente ng oil spill sa nasabing lalawigan.

Paliwanag ni DSWD Assistant Secretary Romel Lopez, nasa ilalim ng isang kasunduan ang pamahalaan na kung saan babayaran lamang nito ang halaga ng tuna cans base sa bilang ng mga nakonsumo.

Ipinapakita rin aniya sa mga ipinadalang larawan sa kanila na hindi pa sira ang mga de lata at ito ay may expiration date na December 2025.

Giit niya, baka hindi lamang pasok sa palatibility o panlasa ng mga residente sa Oriental Mindoro ang naturang produkto.

Nakatakda namang kausapin ni Lopez ngayong araw ang supplier ng tuna cans upang palitan ang mga stocks nito o tuluyan nang alisin sa lahat ng relief packs. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author