dzme1530.ph

DSWD Sec. Gatchalian, walang balak lumipat sa DepEd

Kinumpirma ni Sen. Sherwin Gatchalian na walang balak ang nakababata nitong kapatid na si DSWD Secretary Rex Gatchalian na lumipat sa Department of Education.

Sinabi ni Gatchalian na batay sa pakikipag-usap niya sa kanyang kapatid nais nitong tapusin ang kanyang termino sa DSWD.

Ipinaliwanag ng senador na iginiit ni Secretary Rex na kasisimula pa lamang ng kanyang mga programa sa DSWD kaya’t hindi muna nito nais na iwanan ang ahensya.

Muli ring iginiit ng senador na hindi pa rin napapanahon para sa kanya ang pumasok sa gabinete dahil may apat na taon pa siyang mandato bilang senador.

Iginiit ng mambabatas na para sa kanya mas mahalaga ang ibinigay na mandato sa kanya ng taumbayan na dapat niyang gampanan.

Bukod dito, hindi rin anya maganda na dalawa sila ng kanyang kapatid na maging miyembro nng gabinete.

About The Author