Opisyal nang sinimulan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagbubukas ng programang “e-PANALO ang Kinabukasan”.
Layunin nitong palakasin ang digital financial literacy para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Ayon kay DSWD Asec. for 4Ps and the National Household Targeting System Marites Maristela, layunin nitong palawigin pa ang mga plataporma at technological capacities ng kanilang ahensya, sa iba’t-ibang financial online services.
Samantala, nakikipag tulungan naman si Maristela, sa Land Bank of the Philippines, at ilang pribadong sektor, upang mapagaan pa ang paggamit ng mga benepisyaryo sa kanilang cash grants.