Nangangalahati na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa implementasyon ng Food Stamp Program.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, inihayag ni DSWD Undersecretary Edu Punay na nasa ikatlong buwan na sila mula sa kabuuang anim na buwang pilot run ng Walang Gutom 2027 Program.
Sinabi ni Punay na ₱23-M na halaga na ng food grants ang naipaabot sa 2,366 na pamilya, mula sa limang pilot sites tulad ng Tondo Maynila, Siargao, Isabela, Camarines Sur, at Maguindanao.
Sa ngayon ay tatlong buwan na lamang umano ang bubunuin bago tumulak sa full implementation ng food stamp program sa Hulyo, kung saan itataas na sa 300,000 ang target family beneficiaries.
Ang food stamp ay ang food credits na ibinibigay sa pinaka-mahihirap na pamilyang Pilipino, na kanilang magagamit sa pagbili ng mga pangunahing pagkain.