DSWD, naglabas ng mas mahigpit na guidelines para sa AKAP program

dzme1530.ph

DSWD, naglabas ng mas mahigpit na guidelines para sa AKAP program

Loading

Naglabas ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mas mahigpit na patakaran sa pagpapatupad ng Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP), na umani ng kontrobersiya mula nang ito ay ilunsad.

Sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na malinaw nilang tinukoy na ang mga benepisyaryo ay mula sa “low income earners” hanggang sa “below minimum wage earners.”

Aniya, naglagay din sila ng publication provision kung saan ipa-publish sa kanilang webpage ang mga benepisyaryo.

Binatikos ng ilang kritiko ang AKAP sa pagsasabing nagsisilbi itong kasangkapan para magamit sa politika.

Sa ilalim ng bagong guidelines, tanging mga kumikita ng below minimum wage ang maaaring mag-apply para sa financial assistance depende sa kanilang partikular na pangangailangan, gaya ng pampagamot at pampalibing, pati na pambili ng pagkain at pamasahe.

About The Author