dzme1530.ph

DSWD, maglulunsad ng cash-for-training and –work project para sa resilience laban sa El Niño

Maglulunsad ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng cash-for-training and –work project, upang mas patatagin ang mga komunidad laban sa epekto ng El Niño o matinding tagtuyot.

Itinakda bukas Agosto a-31 sa Monkayo, Davao de Oro, ang pilot implementation ng Local Adaptation to Water Access o Project LAWA.

Sa ilalim nito, itatayo ang water pond o sapa at iba pang community water assets.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary Romel Lopez, isusulong ng Project LAWA ang resiliency o katatagan ng mahihirap na komunidad mula sa epekto ng climate change, sa pamamagitan ng mas maayos na access sa tubig.

Magbibigay din ito ng karagdagang kita sa vulnerable at marginalized families mula sa mga katutubong grupo, mga magsasaka, at mangingisda.

Ang proyekto ay ilulunsad sa pakikipagtulungan sa Department of Agriculture at United Nations – World Food Programme. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author