dzme1530.ph

DSWD, DHSUD, magtutulungan sa pagbibigay ng temporary housing sa mga palaboy

Magtutulungan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa pagbibigay ng pansamantalang tahanan para sa mga pamilya at indibidwal na palaboy sa mga lansangan.

Sa pakikipagpulong ni DSWD Sec. Rex Gatchalian kay DHSUD Sec. Jose Acuzar, tinalakay ang mga uri ng housing units na gagawing temporary shelter ng street dwellers.

Ito ay habang pino-proseso ng social workers ng DSWD ang kanilang pagbalik sa kani-kanilang mga probinsya, sa ilalim ng Oplan Pag-abot Program.

Kaugnay dito, nakatakda nang lumagda sa Memorandum of Understanding ang dalawang kagawaran para sa nasabing misyon.

Sa ngayon ay nasa mahigit 200 palaboy na ang humiling na mapabilang sa Oplan Pag-abot Program. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author