dzme1530.ph

DSWD at DOH, hinimok na bigyang prayoridad ang mga kabataang nananatili sa evacuation centers

Loading

Pinatututukan ni Sen. Christopher “Bong” Go sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Health (DOH) ang pagbibigay-prayoridad sa kapakanan at kalusugan ng mga batang nananatili ngayon sa mga evacuation center sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Tino.

Iginiit ng senador na dapat tiyaking hindi rin dadapuan ng anumang karamdaman ang mga bata, na siyang pinakabulnerable sa mahirap na kondisyon sa mga evacuation center.

Nanawagan din ang senador sa Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Information and Communications Technology (DICT), Department of Energy (DOE), at sa lahat ng ahensya ng gobyerno na doblehin ang trabaho para sa restoration of normalcy.

Muli ring iginiit ng mambabatas ang kahalagahan ng pagiging proactive ng gobyerno at ang pangangailangang magkaroon ng disaster-resilient evacuation centers sa bawat lokalidad sa buong bansa.

Umapela rin ito sa publiko na magkaisa sa gitna ng mga trahedya at mga kontrobersiyang kinakaharap ng bansa.

About The Author