dzme1530.ph

Drug test sa mga driver na nasasangkot sa aksidente, dapat ipatupad

Loading

Dapat igiit ng Philippine National Police (PNP) na isailalim sa drug test ang driver ng Pangasinan Solid North bus na sangkot sa aksidente sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX).

Ito ang binigyang-diin ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa kasabay ng paalala na alinsunod ito sa Republic Act 10586 o ang Anti-Drunk and Drugged Driving Act.

Ipinaliwanag ni dela Rosa na alinsunod sa  Section 7 ng RA 10586, ang sinumang driver na masasangkot sa vehicular accident ay dapat sumalang sa chemical tests, kabilang ang drug screening test at kung kinakailangan ay drug confirmatory test.

Nakasaad din sa batas na ang sinumang driver na tatanggi sa mandatory drug tests ay kukumpiskahin ang lisensya.

Minamandato rin aniya ang drug test kung may nakikitang probable cause ang mga awtoridad laban sa nasasangkot na driver.

Ginawa ni dela Rosa ang paalala kasunod ng impormasyon na tumanggi ang bus driver na sangkot sa aksidente sa SCTEX na sumalang sa drug test.

About The Author